Categories
Mga Tula Poetry

“Pagitan ng Alas Kwatro at Alas-Sais ng Hapon”

Pagitan ng alas kwatro
At alas-sais ng hapon
Mundo ay mahinahon
Malambing ang araw
Di nakasisilaw
Mga ulap, parang natutunaw
Asul, ube, pula at dilaw
 
Matamis ang hangin
Mapaglaro ang mga ibon
Puti ang buwan
Kahugis ng pakwan
Malinamnam ang kape
May kahalong gatas
Maingay ang mga bata
Naglalaro sa labas
 
Ito ang gitna
Ng liwanag at dilim
Magarang palabas
Papuntang takipsilim
Sa mga oras na ito
Ang mundo ay mabait
Tila sinasabing
Hindi lang puro sakit
Ang marunong maghintay
May ginhawang kapalit
May hangin at lamig
Pagkatapos ng init

Photo courtesy: Cris OBey on Unsplash

Leave a Reply

Your email address will not be published.